Nabor nagpakalat ng puntos sa PLDT

Nabor nagpakalat ng puntos sa PLDT

BINULAGA ng dehadong PLDT FIBR ang last year’s runner-up F2 Logistics Cargo Movers matapos ­hatawin ang 25-20, 23-25, 25-21, 25-18 ­panalo kagabi sa Philippine Superliga Grand Prix sa ­Alonte Sports Arena sa Biñan City.

Walang nagawa ang Cargo Movers kahit ­nakasagot sila ng panalo sa set.

Posible sanang nawalis ng PLDT ang F2 Logistics dahil nakalamang sila ng 6-0 sa set two subalit gumapang ang Cargo Movers para itakas ang panalo.

Muling humarurot ang PLDT sa third set, nilista ang 11-0 at nahirapang humabol ang Cargo ­Mo­vers sa event na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

Nananatili ang tikas ng PLDT sa set four, ­desidido silang kalusin ang Cargo Movers kaya hindi na nila pinaabot sa fifth set.

Malaking tulong sa panalo ng PLDT si setter Jasmine Nabor matapos ikalat ang mga puntos sa kanyang mga kakampi lalo na sa kanilang matitikas na imports.

Kumana si Nabor ng limang puntos pero nakapagtala ng 25 excellent sets para sa PLDT na nilista ang pang-anim na panalo sa 10 laro.

Samantala, nalasap ng Cargo Movers ang pa­ngalawang talo sa siyam na salang.