Mawawala ang number one ranking ni Rafael Nadal sa pag-pull out nito sa Paris Masters.
Hindi na pinagpatuloy ni Nadal ang Paris Masters dahil sa abdominal injury na iniinda nito ngayon.
Nakatakda sana ang second-round match niya sa torneo Miyerkoles (Huwebes sa Pilipinas) kontra Fernando Verdasco.
“The last few days I start to feel a little bit the abdominal, especially when I was serving,” wika ni Nadal.
“The doctor says that is recommended to not play, because if I continue the abdominal maybe can break and can be a major thing.”
Dahil sa pag-pull out ni Nadal sa torneo ay nawala sa kanya ang number one ranking at mapapalitan siya ng matagal nang katunggali na si Novak Djokovic.
May dalawang taon na ang nakararaan nang mapatalsik ni Andy Murray si Djokovic sa number ranking sa Paris Masters.