Nadale ng virus sa QC, lumobo pa

Pumalo na sa kabuuang 1,269, ang bilang ng mga apektado ng coronavirus disease sa Lungsod Quezon base sa data na nilabas ng Department of Health (DOH).

May 199 na ang nakarekober sa sakit samantalang nasa 125 na ang naitalang namatay.

Nakapag-validate na rin ng 926 na kaso ang Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit and district offices sa Lungsod mula sa bilang na 1,098 na nagsumite ng kumpletong address.

May 602 kaso pa na aktibo sa COVID 19 sa Lungsod at nanatili pa ring nasa ilalim ng “extreme enhanced community quarantine” ang 34 na barangay. (Riz Dominguez)