May naka-line up pa ring project ang Viva Films kay Nadine Lustre. Ito ang tiniyak ni Viva big boss Vic del Rosario kagabi sa Viva Vision 2020 presscon held at Novotel hotel.
In fact, ayon kay Boss Vic ay 7 pelikula raw ang nakaplano sa aktres pero hindi nga lang nila alam kung tatanggapin nito.
Sey pa ni Boss Vic, nasa kontrata naman daw ng mga artist nila na may karapatan ang mga itong tumanggi sa binibigay nilang project.
Tumanggi na nga raw si Nadine sa “Miracle in Cell No. 7” kaya napalitan ito ni Bela.
Ang hindi raw talaga puwede ay gumawa si Nadine outside of Viva Films. (Vinia Vivar)