Nadine bet ipalit kay Angel

Pagkatapos na magpahayag si Leinil Yu, Filipino artist na bet niyang si Angel Locsin ang gumanap bilang Wave, nanganak ito ng iba’t ibang espekulasyon.

Si Wave ay bagong karakter na gusto niyang i-introduce sa susunod na franchise movie ng Marvel Cinematic Universe na ‘War of the Realms: Agents of Atlas #1’.

Bagama’t marami ang nag-a-agree na bagay si Angel sa nasabing role, naudlot naman ang pantasya ng karamihan. Idineklara ng aktres na hindi niya type gumanap dito dahil tapos na siya sa mga superhero roles.

Dahil dito, ipinu-push ng mga netizen na si Nadine Lustre ang magbigay-buhay sa nasabing karakter na may Pinay touch.

Sey pa nila, bagay kay Nadine ang role dahil bukod sa sexy ito ay nagtataglay ito ng pormang puwedeng pang-superhero.

Matatandaang bago pa man napili si Liza Soberano na gumanap bilang Darna, bet na rin ng mga netizen si Nadine na gumanap bilang superhero sa karakter na nilikha ng creator nitong si Mars Ravelo. (Archie Liao)