NI: MILDRED BACUD

Kilalang maloko si Luis Manzano sa pagsi-share ng mga funny memes at post sa kaniyang social media account. In fairness nakakatawa naman talaga.

Ang latest ay tungkol sa post ng isang netizen na nagngangalang Anna Marie. Post niya, “What if si Vico Sotto pala ang nag imbinto ng Covid 19?”

Idol daw kasi ni Vico si Yorme Isko kaya pag binaligtad daw ang pangalan nila ay Covi.

“SOTTO kapag binaliktad ‘OTTOS’ (utos). Inutusan daw ang divel na magkalat ng virus.

Sabi pa ng netizen, favorite number niya ay 4 at letter ” D” daw ito. Kaya raw nabuo ang salitang “COVID.”

Sa numerong 19 ay total daw ito kung bibilangin ang mga salitang “PASIG, MAYOR, VICO, at SOTTO.”

Covi +D +19 equals to covid 19. Napa-omg si netizen at napasalitang sana raw aware ang publiko. Birong komento naman ni Luis na syang nagshare sa post ay, “Di pa tapos ang laban sa COVID, pero wag natin kalimutan na mukhang na figure ni Anna Marie lahat ng to…”

Hindi naman napigilan ni Nadine Lustre ang matawa at mapacomment ng ” Hindi ko kinaya.”

Sagot ni Luis, ” I think nakapag- aral siya sa ibang planet. Sey naman ni Hashtag Wilbert Ross, ” May point ah, In fairness.” Laughing emojis with tears naman ang naging reaksyon ni Daniel Matsunaga.

Nakarating na pala kay Mayor Vico ang tungkol dito, natawa na lamang at napatanong kung totoo ba yun?

Pero ang nakakaloka ay may ibang netizen na naniniwala kaya naman may nag-post ng fake news alert tungkol dito kaya tweet ni Mayor Vico, ” May nagtatanong talaga ng seryoso.”

Nakakaloka talaga ang social media pero aminin nakakaaliw din naman ang ilang mga netizen.