NI: ARCHIE LIAO

Nagpa-throwback si Nadine Lustre sa kanyang socmed account.

Nagpost siya ng picture nila ng ex na si James Reid in one of their bonding moments.

Halatang na-miss niya ang dating boyfriend at ramdam ito ng netizen.

Sa panahon kasi ng enhanced community quarantine, wala silang paramdam sa isa’t-isa.

Nalungkot nga noon ang isang faney nang na-sight niya dati si Nadine na pumipila sa isang supermarket while doing her shopping.

Sey ng isang netizen, malamang na hindi naranasan ni Nadine ang ganitong dusa kung nandiyan ang dating Fil-Aussie boyfie na karamay niya sa panahon ng pandemya.

Dati naman kasing during the pre-covid days, nakikita pa rin sila in the company of common friends.

Bago rin sila naghiwalay, marami silang beautiful memories together.

Sa kanyang post, inalala ni Nadine ang birthday ni James.