Nadine kinabog ni Marian

Marami ang pumuri sa performance ni Marian Rivera sa ‘Gabi ng Himala: Mga Awit At Kwento ‘. Ito ay fund raising online show para sa displaced workers ng movie industry.

Kinompara pa ang Beautederm ambassador kay Nadine Lustre. Nilampaso raw niya ito at kinabog dahil ramdam ang acting ni Yan.

Naitawid daw ni Marian ang eksena as directed by Dingdong Dantes.

Hatol ng mga kritiko: “Mahusay naman. Na-feel ko siya.”

“Impernes. Iba ang atake niya”

“Mas malapit kay Ate Vi ang akting ni Marian. ‘Yung bandamg ending na sabi niya walang himala.”

“Di ko ma-feel si Nadine. Ang taas ng energy at impact ni Marian.”

“Parang nagbabasa lang si Nadine.So far si Marian kinarir ang acting.”

May mensahe naman si Marian sa kanyang Instagram account.

“Gabi ng Himala”
“Maraming salamat para sa pagkakataong magampanan ang iconic scene ng nag iisang Nora Aunor para sa “Gabi ng Himala: Mga Awit at Kwento”. Ito pong aming interpretation ay para sa online fundraising for our displaced film workers. 🙏 Thank you for this opportunity to do what I love and to help.
Writer : Ricky Lee
Directed by : Dingdong Dantes
Edited by: @chuckpinoy
#sagippelikula.”

Dagdag pa niya: “Maraming salamat sa inyong lahat ❤️ Ang mahalaga nakatulong sa kapwa sa kahit anong pamamaraan. 🙏🏻”

Kahit ang mga taga-showbiz ay sumaludo sa performance ng aktres.

@aikomelendez, “Ang galing mo 🙌 and ang galing din ni @dongdantes ung intercutting ng present to past and ung pag explain nya sa eksena napaka linaw 🙂 mahusay!!!”

@rosegarciafab, “Husay Yan!!! Need mo na talaga to comeback to drama! “ @missrheatan ,” Wowwww!”

@bambbifuentes, “Outstanding performance bravo.”

@sayalonzo, “GRABE NAPAKAGALING!!! ANG GALING GALING!!!!!!!!! @marianrivera @dongdantes .”