Nadine lihim ang pagtulong sa ospital

NI: RONA RONDA

Maraming oras ang mga netizen na punahin ang mga naiambag ng celebrities ngayong may kinakaharap na krisis ang bansa. Sey nila, ito na umano ang panahon para bumawi sila sa mga taong nasa likod ng kanilang pagsikat.

May mga naghahanap kay Nadine. Nasaan daw siya para tumulong sa mga kababayan natin?

Actually, hindi lahat ng tulong ay kailangang isinasapubliko. Lihim na nag-donate si Nadine Lustre sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital.

Ayon sa post ng tita ni Nadine na si Mamel, nagbigay ang aktres ng Personal Protective Equipment (PPEs), acrylic aerosol boxes at pagkain na may nakaukit pang encouraging notes na sinulat niya mismo.

“We appreciate the hard work and services to our communities, may this humble gesture become helpful to the hospital staff! Thank you Dr. Jamilarin and Dra. Capada of Ob-Gyn Department for facilitating the distribution. Thank you so much my lovely niece Nadine for sponsoring their PPEs, acrylic boxes and helping feed the team at DJNRMH. Proud Tita here,” saad ng caption.