Nadine lumayas na rin sa Viva

Another pasabog na naman mula sa kampo ni Nadine Lustre. Umalis na rin ang aktres na si Nadine Lustre sa kanyang talent agency.

Naglabas ng press statement ang Viva Artists Agency hinggil sa pagte-terminate ni Nadine sa kanyang kontrata sa ilalim ng kanilang management. Ito ay limang buwan matapos ang pag-alis ng kanyang ex-boyfriend na si James Reid sa kaparehong agency.

Saad ng press statement ng lawyer ng aktres na Kapunan & Castillo Law Offices “For the information of public, Nadine Lustre is no longer a talent of Viva Artists Agency. Consistent with her rights under the Civil Code of the Philippines, specifically Article 1920, she has decided to terminate her agency contract with Viva. As of now, Nadine is self-managed and will continue to be so indefinitely. She shall directly manage her affairs from now on, and bookings and inquiries may be directly addressed to her.”

Hinala ng mga fan, may kinalaman din ito sa pag-alis ni James sa Viva

(Rona Ronda)