Nadine Lustre in-unfollow si Direk Jadaone

nadine-lustre

PAGKATAPOS ng isyung in-unfollow ni Maine Mendoza ang Instagram account ni Alden Richards, ganito naman ngayon ang nangyari kina Nadine Lustre at Direk  Antoinette Jadaone.

May kinalaman pa rin ba ito sa pagsasapubliko ni direk sa  naging problema sa shoo­ting nila? Natuloy na ang shoot ng pelikula nila pero bakit may ganitong conflict pa rin?

Hindi ba talaga magkasundo sina Direk Tonet at Nadine?

Huwag sabihin ni Nadine na napindot lang accidentally,huh!

Ayon naman sa netizen, walang paki si direk sa pag-unfollow ni Nadine. Basta sumipot daw ang JaDine sa set ng tamang oras at handa.

Karapatan din daw ni Nadine kung sino ang i-follow niya at in-unfollow niya.

Talbog!

Produ, iniipit ang mana ng pamangkin

HULAAN BLUES: Kawawa naman ang pamangkin ng movie produ na ito dahil ipi­nagkakait di umano ang mana ng mga pamangkin. Grabe raw kung gumastos ito sa mga ginagawang pelikula pero iniipit naman ang mana nila.

Ulila na kasi sa magulang ang mga pamangkin niya at sa kanya umano inihabilin ang mamanahin ng mga ito. Mga minors pa kasi sila noong pumanaw ang parents.

Pero ngayong ngayong mga professional na sila, hindi pa rin daw ibinibigay sa mga pamangkin niya ang mana nila. Hindi nila nai-enjoy ang pera nila.

Wala naman daw limit kung gumastos sila pero idinadaan  nila sa reimbursement. Kumbaga, aabonohan muna nila.

Ayaw na yata ng mga pamangkin niya ang ganoong sistema at gusto na nilang hawakan ang pera nila

Hindi kaya pinapaikot muna niya ang pera sa prodyus niyang pelikula?

Olive, bagong managing director ng Star Cinema

IN-APPOINT ng ABS-CBN bilang bago nitong managing director para sa ABS-CBN Film Productions Inc. o Star Cinema si Olive Lamasan kasunod ng pagretiro ni Malou Santos bilang chief operating officer (COO) ng Star Creatives.

Bago ang kanyang appointment, pinangunahan ni Olive, o mas kilala sa tawag na Inang Olive sa industriya, ang creative department ng Star Cinema at idinirehe ang ilan sa mga hindi malilimutang mga pelikula tulad ng “Madrasta,” “Milan,” “Got to Believe,” “In The Name of Love,” “The Mistress,” “Star­ting Over Again,” at “Barcelona: A Love Untold.”

Anyway, si Malou naman ay magsisilbing executive adviser ng Cinema na siyang tutuon ng pansin sa foreign film acquisitions at regional co-productions. Siya rin ang mamamahala sa operasyon ng Citymall cinemas sa ilalim ng Cinescreen Inc.

Nang siya ay COO pa ng Star Creatives, pinangunahan ni Malou ang teams sa likod ng Asia’s longest-running drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” at iba pang world-class dramas tulad ng “Pangako Sa ‘Yo,” “Princess and I,” “Forevermore,” “The Legal Wife,” “Dolce Amore,” “Lobo,” “Imortal,” at “La Luna Sangre.”

Sa kanilang pamumuno, inaasahang mas maipagpapatuloy pa ng ABS-CBN ang paghahatid sa mga Pilipino saan man sa mundo ng dekalibre at maka­buluhang content gamit ang iba’t ibang media platforms.