Nadine mabuburo ang career

Nadine mabuburo ang career

Winakasan ni Nadine Lustre ang kanyang kontrata sa Viva. Ang Viva, kung saan contract star ang babaeng kayumangging-kaligatan, pinalagan ang pribilehiyo niyang magmaldita. Para sa kanila, talent pa rin nila si Lustre at mayroon silang karapatang idemanda ito kung patuloy itong magmamatigas pati na rin ang mga nilalang, kompanya at production outfits na balak kunin ang serbisyo nito.

Sa pagpalag ng Viva sa pahayag ng mga abogado ni Lustre, ano na ang mangyayari sa karera niya? Wasak na wasak na nga ba ito at she can kiss it goodbye?

Hindi lang tuldok kundi may tandang pandamdam ang pagwawakas ng kanyang karera na dugo, pawis, luha, katawang lupa, talent niya ang naging puhunan na ang Viva, siya namang sinugalan.

Mainam ba nating malaman kung magkano ang halagang ibinabayad sa kanya na nakasaad sa umiiral niyang kontrata at kung magkano ang porsyetong kinakaltas ng Viva sa kanya?

Kasi kung halimbawang hindi naman pala kalakihan ang kinukubra niyang talent fee tapos malaki pa ang bawas sa komisyon, siya ang pagod at puyat, may bashers at haters pa, makatarungan bang siya ang ating kampihan at paniwalaan?

If ever, wala ba siyang meeting of the minds at negotiation para naman nakakakuha siya ng nararapat?

Siguro naman, ang mga abogado ni Nadine, maging siya, ay bukas ang mga pag-iisip at kalooban na makipag-usap sa Viva para makipag-negosasyon.

Kung magmamatigas sila, ano ang mangyayari sa kanya? Walang duda na maaaring ma-frozen delight at nobody will dare touch her with a ten foot pole stature siya bigla. Ang network kung saan siya identified at based sa kasalukuyan ay may legal battle rin, hindi nila kailangan ang dagdag na magpapasakit sa kanilang ulo.

Hindi rin tayo sigurado kung ang network kung saan sila nagsimula ni James Reid bilang magkapareha ay susugalan siya.

Eh ang samahan ng mga talent manager, meron kayang isa sa kanilang kakalinga, kukupkop sa biglaang pagiging underdog ni Lustre? Sino ba sa kanila ang may lakas ng loob na haharap sa ngitngit at poot ng mga namamalakad sa karera ni Nadine?

Ano na ang mangyayari sa karera mo Bb. Lustre? Gone too soon? Gone with the wind? Gone in 60 seconds? Sayang naman. Isip-isip pa more para hindi mawasak at magwakas ang lahat.

Dimples laging lamang kay Beauty

Ngayong dalawang linggo na lang ang pananatili ng “Kadenang Ginto” at in full throttle ang battle of the dragons, ano-ano ang hahanap-hanapin natin kapag siya ay talagang wala na sa ere?

Siyempre pa, ang wagas na tarayan, sampalan, sabunutan at pagmamalditahan nina Daniela at Romina. Sa true lang, kinarir talaga nina Dimples Romana at Beauty Gonzales ang kanilang mga katauhan.

Si Daniela na yata ang pinakamatalinong kontrabida sa balat ng telebisyon, parang palagi niyang nalalamangan at nauungusan si Romina.

Kung noong araw sina Amor Powers at Claudia Buenavista ang umaaliw sa atin, tila walang panama ang naunang dalawang katauhan sa pagiging guerrera at vengatiba ng mga babaeng Mondragon.

Super mami-miss ko si Adrian Alandy na pinatay na. Wala na si Carlos! Super sad! Si Adrian ang isa sa mga underrated actor natin sa kasalukuyan na laging competent at emotionally committed sa mga katauhang binibigyang-buhay niya.

More than Francine Diaz bilang Cassie, mas tiyak na mas marami ang hahanap-hanapin si Andrea Brillantes bilang Marga. Kasi ang child-woman na ito, maganda. Perfection sa pagiging bratinella, maarte, Inglisera at ang kanyang signature na bushy eye brows at blush on lang ang meron sa pisngi ko pero maganda pa rin ako look eh talagang maraming kababaehan at sankabekihan ang gumaya.

Sa mga juvenile hombre, siyempre, ang very papable na si Kyle Echarri bilang Kristoff ang mami-miss nating lahat. Matangkad, guwapo, pang-matinee idol at alam mong ‘pag nagbinata pa ito, mas lalong titingkad ang kisig at machismo. Bihira na ang batang lalaki na singtangkad niya na nagsusumigaw ang star appeal.

And of course, two of showbizlandia’s greatest actors, sina Susan Africa bilang yaya Esther at Ronnie Lazaro, bilang tatay Kulas. Hindi sapat ang mga pang-uri kung bakit ang mga buhay na mga alamat na ito ay sakdal husay.

Ano ang biggest gain sa “Kadenang Ginto?” Ang katotohanan na dahil sobrang sikat ito, may Indonesian incarnation na siya at ang pamagat ay “Putri Mahkota.”

Siyempre pa, ang aral na walang kapantay ang pagmamahalan na namamayani at nagbubuklod sa isang pamilya, come hell or high water, ilalaban natin ang lahat para mapanatili itong buo at matiwasay.