Nadine, Maine durog sa FaceApp

NI: ALWIN IGNACIO

Super trending topic ang millennial superstar Kathryn Bernardo sa Twitter dahil sa pangmalakasan at matapang na pahayag: “JUNK TERROR BILL NOW!”

Hindi natin kailangang kabisaduhin pa kung ano ang puno’t dulo kaya may hanash na ganito ang aktres. Admirable and ballsy of her to express this lalo na nga’t marami pa rin sa millennials eh hedonistic at trivial pursuits ang inaatupag. Ang paggamit niya sa kanyang influence and stature para matauhan ang mga bulag, bingi at pipi sa katotohanan ay tunay na kahanga-hanga kapuri.

Dagdag chika pa tungkol kay Bernardo, kasama pa rin siyempre sina Liza Soberano at Nadine Lustre, at iba pang artista na dahil sa isang FaceApp, bigla silang naging itsurang lalaki and boy oh boy.

Ang kay Queen Kathryn, parang conyo kid na ultra-Inglisero and driving a BMW when he goes to the university ang naging final product. Yayamanin at hindi new rich.

Sa Duchess Soberano, sa kanya talaga ang kanyang hombreng kawangis, ang pinaka-the best na halimbawa ng salitang “magandang lalaki.” Pwedeng pang BL drama bida ang hombrelicious na Soberano. Hahahaha.

Si lady in waiting Nadine, sorry na lang, hindi masyadong panalo ang result. Parang may itsura namang lesbian na konduktor sa bus na walang aircon. Ang savage! Hahahaha!

Sa Kapuso actresses, ang best FaceApp transformation, siyempre pa ay kay Marian Rivera-Dantes na parang royalty from Espanya o Inglitera ang datingan.

May female to male magic rin na ginawa para kay Maine Mendoza, na medyo tragic ang result. Para kasi itong nagmukhang one of those middle Eastern papas na magdadalawang isip ka kung gusto mong jowain .Bukod sa nakakapunit ang kanilang mga pambihirag palo-palo, dapat matapang-tapang ang sikmura mo dahil may peculiar scent talaga silang mas matatapang pa sa sibuyas at bawang combined ang aroma.

Dahil sa tapang at alindog ni Kathryn Bernardo, walastik na pantastik talaga ang minamahal ni Daniel Padilla, hindi ba naman?