AFTER mag-post ni James Reid ng sumesensuwal na bath tub pic nila ng girlfie niyang si Nadine Lustre sa CamSur, kahapon ay may boat pic naman ang JaDine sa Caramoan.
“Dreams come thru,” ang caption ni James sa pinost niyang shirtless pic sa Instagram na naka-shorts lang siya habang ang katabi niyang si Nadz, na naka-bra tops at short skirt ay ang sarap ng ngiti na may kasama pang dila.
Kasama nila sa island adventure nilang ‘yon ang bestie ni James na si Bret Jackson, na naka-shorts lang din habang ine-enjoy ang Caramoan.
In fairness kina James at Nadine, keri nilang maging intimate sa pinu-post nilang pics sa IG na sexy at may maturity ang dating.
Baka ika-shock ng bagets fans kung ang magpu-pose ng magkayakap sa isang bath tub ay ang KathNiel o ang LizQuen, pero sa JaDine ay parang bagay ang may ganu’ng level of intimacy.
Sabagay, sobrang open naman kasi ang dalawa sa relasyon nila na ngayon ay 1 year & 3 months na.
24-anyos na si James at 23-anyos na si Nadine, so keri na talaga.
Mukhang mas okey kung sa next nilang pelikula ay mas magiging mature na ang JaDine, na meron nang sexiness at sensuality.
Tapos na sila sa pa-cute at pa-tweetums stage.
Baka panahon na para mas mag-level up pa sina James at Nadine, lalo na pagkatapos ng disappointing last teleserye nila na Till I Met You.
Baka kailangan nang magpakita sila ng kakaiba, lalo na si Nadz na tila mas nagiging mapangahas na ngayon pagdating sa paseksihan.
Mukhang mas confident na si Nadine sa kanyang body kaya bikini kung bikini na siya at parang wala nang hiya-hiya.
Sa partial results ng FHM 100 Sexiest in the World 2017 ay siya ang nangunguna sa listahan.
Last year ay nanguna rin sa FHM poll si Nadz, pero pagdating sa dulo ng botohan ay tinalo siya ni Jessy Mendiola.
Baka siya na ang tanghaling pinaka-sexy ng FHM this year.
Sakto ang timing nu’n kung gagawa sila ng more mature, sexy and daring movie ni James para ma-excite ulit sa kanila ang publiko!