BENCHSETTERS na sina James Reid at Nadine Lustre simula pa nu’ng February 2016, pero mukhang dahil sa sobrang kabisihan ng dalawa ay nu’ng Sabado lang sila opisyal na nai-launch bilang Bench endorsers sa SM Mall of Asia Music Hall.
Itsurang bumubuhos ang ulan nu’ng gabing ‘yon ay napakainit ng pagtanggap ng fans sa JaDine at todo ang tilian at hiyawan nila para sa sikat na loveteam.
Ang cute ng short & sweet program called ‘JaDine Everyday’ na ipinakita ang daily routine ng reel and real sweethearts.
Si James ay nag-dumbbells muna sa may tabi ng bed niya bago nag-song number, habang si Nadine ay nagpa-glam up muna bago nag-perform.
May pa-photo shoot pa kunwari bago nag-duet ang JaDine, na as usual ay swit-switan together kaya kilig-kiligan ang MOA crowd.
Ang ‘JaDine Everyday’ ay word play sa ongoing Autumn 2016 campaign ng Bench na Bench Everyday.
Parehong sobrang proud and happy sina James at Nadine na bahagi na sila ng palaki nang palaking Bench family.
Sey ni James, everything you need ay nasa Bench at gustung-gusto niya itong sinusuot because it’s so comfortable.
Personal favorite ni James ‘yung suot niya sa launch na fleece pullover, na medyo itinaas niya pa para ipasilip ang kanyang abs.
Tili pa more ang fans sa pa-yummy moment ni James.
Si Nadine ay forever favorite ang Bench jeans dahil bongga raw ang fit nito sa kanya.
Ang sexy ni Nadz sa suot niyang tight-fitting white jeans na na-highlight ang kurbada ng katawan niya.
Natutuwa ang Bench na hindi nagda-die down ang clamor para sa JaDine loveteam.
***
Ngayon (Lunes, Agosto 8) ang alis ng JaDine para mag-shoot ng bago nilang Kapamilya prime series na Till I Met You sa Greece, na ididirek ng On The Wings Of Love director na si Antoinette Jadaone.
Nakatsika namin saglit ang mag-sweetheart doon sa Bench event at ang sabi sa amin ni Nadine ay mga two weeks sila sa Greece.
Super excited ang dalawa dahil pareho nilang first time sa nasabing bansa.
Hindi kinumpirma ni Nadz kung totoong may pagka-My Husband’s Lover (ang sikat na pamhintaserye ng GMA) ang Till I Met You, pero balitang gay ang role dito ng ka-love triangle nila na si JC Santos (guwaping na indie at theater actor).
Nakamusta namin si James tungkol sa kanyang vacation sa Canada (na may karugtong pa sa Cebu with his buddies).
Mukhang na-enjoy ni ‘hubby’ ang bakasyon niya kahit hindi niya nakasama si ‘wifey.’
“Yes, it was great! I needed it, to go back in shape, exercising, resting,” nakangiting sey ng Fil-Aussie hottie.
***
In all fairness ay nasa Bench na ang lahat ng HOTTEST LOVETEAMS ng bansa.
Bukod sa JaDine ay Benchsetters din ang KathNiel loveteam nina Daniel Padilla & Kathryn Bernardo.
Ang LizQuen, si Enrique Gil ay kapamilya na ng Bench habang si Liza Soberano ay nasa sister company nito na Kashieca.
Ang AlDub, si Maine Mendoza ay nasa Bench habang si Alden Richards ay endorser ng Bench Fix Salon.
KAHIT ALDUB FAN AKO SEXY NAMAN TALAGA SI NADINE,MAS SEXY PA SA MUKHANG BARILES NA JESSY MENDIOLA