Marami ang naloka sa sablay na performance ni Nadine Lustre sa ‘Gabi ng Himala: Mga Awit At Kwento ‘. Ito ay fund raising project ng Directors Guild of the Philippines (DGPI), Lupon ng Pilipinong Sinematograpo (LPS), at Ricky Lee Film Scriptwriting Workshop. Ang proceed ng donasyon sa nasabing online show ay para sa sa displaced workers ng movie industry.

Bagamat pinasasalamatan siya sa layunin niyang makatulong, hindi rin siya nakaligtas sa mga kritiko.

Ang bagong tawag daw kay Nadine dahil sa chapter niyang performance ay Nadine Loose Thread.

Di raw niya alam ang history ng Himala. Parang wala sa kamalayan niya ang isang klasikong pelikula.

“Di ko rin naramdaman si Nadine, samantalang iconic character ang ginagampanan n’ya noh!

“Pinalampas n’ya ang pagkakataon among the millennial actresses o mga ka-batch nya. Akala yata niya eh basta-basta ang ELSA role. Miscast r nga sya kagabi,” reaksyon ng nakapanood.

“After ng powerful performance ni Marian sya ang sumunod Wala na! Para lang siyang dumaan sa ere.Sinayang niya ang chance,”puna pa sa kanya.

Ilan sa nakiisa sa Gabi ng Himala:Mga Awit at Kuwento ay sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Angelica Panganiban, Jodi Sta.Maria, Maja Salvador, Angelica Panganiban,Shaina Magdayao, Iyah Mina, Tom Rodriguez,Marian Rivera, John Lloyd Cruz .