Handa na ang Go For Gold Philippines na ipakita sa mundo ang kakayahan ng Filipino basketball community na talunin ang Guinness World Record para sa most number of people dribbling simultaneously.
Ang ‘Go For Gold’ ay isang proyekto ng sports corporate social responsibility (CSR) ng Powerball Marke-ting at Logistics Corporation na licensee ng PCSO para sa Scratch It. Ito ay binuo ng Powerball Vice President for Marketing na dating atleta na si Jeremy Go.
Ang Go For Gold ay pangungunahan ang isang world record attempt na nagnanais na makahikayat ng 10,000 katao mula sa buong Pilipinas para makuha ang Guinness World Record sa pinakamaraming tao na nagdi-dribble sa basketball ng tuloy-tuloy.
Ang kasalukuyang record-holder ay ang United Nations Relief and Works Agency (UNRWA), na nagtipon ng 7,556 katao sa Rafah, Gaza Strip, Palestine noong July 22, 2010, bilang parte ng summer games program sa nasabing lugar.
Sina Nadine Lustre at Sam Concepcion ay makakasama para magbigay ng nakakaindak na live performances, kasama ang mga hitmakers ng bansa na sina Karencitta, John Roa, This Band, at ALLMO$T.
Magbibigay rin ng kit sa mga attendees ang Go For Gold na naglalaman ng mga espesyal na freebies. Kaya naman markahan na ang ka-lendaryo, mag-register at sumali sa Guinness World Record Attempt nang libre.
Ang ‘Go For Gold’s World Record Attempt ay gaganapin sa Linggo, July 21, sa SM Mall of Asia Concert Grounds, Pasay City, Metro Manila. Para mag-rehistro at sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.goforgoldworldrecordattempt.com. (RAvecilla)