Kung pagbabasehan ang sagutan ng respective legal counsel nina Nadine Lustre at ng Viva, mukhang mauuwi sa demandahan ang paglayas ng aktres sa kanyang home studio . Tiyak na ang maiipit dito ay walang iba kundi si Nadine dahil hindi siya puwedeng tumanggap ng trabaho nang walang consent ang Viva .Binding ang kanyang management contract hanggang 2029.

Ang ipinagtataka lamang ng marami ay kung sino ang nag-udyok kay Nadine na kalabanin ang Viva .Kumalas siya sa isang kontrata na kanyang pinirmahan mismo.

Nabigla si Boss Vic del Rosario sa ginawang move ni Nadine. Naniniwala siya na umano’y may ibang taong nagbuyo kay Nadine na gawin ito but Viva won’t take this issue sitting down.

Rhian 1 taon na sa dyowa

Nasa ibang bansa ngayon si Rhian Ramos para mag-celebrate ng kanilang first anniversary ng Israeli BF na si Amit Borsok.

Sina Rhian at Amit ay nagkakilala sa pamamagitan ng kanilang common friend na si Tim Yap.

Bago si Amit nagkaroon din ng relasyon si Rhian noon sa ilang personalidad tulad nina Mark Herras, JC de Vera, Jeric Lacson, Mo Twister at KC Montero. Ganoon din sa isang Chinese Filipino businessman na si Jason Choachuy.

Cherie rumampa sa New York premiere night

Pagdating sa important milestone ng kanyang mga anak na naka-base sa New York, USA, hindi puwedeng wala roon si Cherie Gil .

Ang panganay niyang si Bianca ay sumunod sa mga yapak ni Cherie bilang actress .At sa premiere night ng kanyang unang featured film na pinamagatang “Sensitive and In Love” sa New York ay dumalo ang award-winning actress . Kasama niya ang dalawa pang anak. Timing ang pagtatapos ng serye ni Cherie sa Kapuso dahil nakadalo siya sa nasabing okasyon.

Si Bianca ay nagtapos ng Bachelor of Fine Arts in Drama sa New York University . Graduating din this year ang youngest son ni Cherie na si Raphael Rogoff ng Global Liberal Studies.

xxx

Tunghayan ngayong Lunes sa ganap na alas-12 ng tanghali ang “Celebrity Talk” online show ng Abante Tonite .Napapanood ito sa Abante Tonite website, Facebook at YouTube channel . Guest ang award-winning actor at entrepreneur na si Allen Dizon.

Alamin ang iba pang mga kaganapan sa buhay ni Allen kasama ang kanyang misis na si Crystle at tatlong anak.

Kumusta kaya si Allen kapag wala ito sa harap ng camera?

Alamin ang kasagutan sa “Celebrity Talk”.