
Naging emosyonal si Nadine Lustre sa “Tonight With Boy Abunda” nang tanungin siya ng host na si Boy Abunda kung nai-imagine ba niya ang buhay na wala si James Reid.
“Parang no. Iiyak ako,” sabi niya munang natatawa, and then, seriously, sey niya, “parang no, kasi iba talaga, tito Boy. Like, I’m really, really thankful that he came into my life. It was so different before,” at napaluha na siya.
Natanong din siya kung si James na ba ang lalaking para sa kanya ay makakasama niya habang buhay, she answered, “I hope so” at dagdag pa niya, “even if he’s not, I’m always going to be thankful to him.”
Para kay Nadine, napakarami raw niyang natutunan kay James at ang daming naging improvement sa kanyang pagkatao dahil sa boyfriend. Dati raw ay overthinker siya at madalas magkaroon ng anxiety.
“I can say that I changed a lot in the relationship for the better. Before, ‘yung mga small things, sobrang nagwo-worry ako palagi, kasi I’m an overthinker. Madalas ako nagkakaroon ng anxiety, even until now.
“But now kasi, I learned how to handle it properly. I’ve learned to let the bad stuff go. I don’t hold grudges anymore. I’m always positive.
“If something bad happens, hindi na ako ‘yung, ‘Oh my God, ano’ng gagawin ko?’ I think logically, tapos I strategize kung paano ko lalagpasan.
“You know, I’m very calm now. I learned how to communicate and open up,” sey ni Nadine.
Ayon pa sa aktres, naging napakaganda ng transition niya na kahit hindi na sila ni James ay may special place pa rin ito sa puso niya.
“‘Yung naging transition ko from who I was before, to the person I am now is so beautiful na kahit hindi na kami ni James, he will always have a special place in my heart. Kasi talagang nag-grow kami,” she said.
JK Labajo minura ang fan sa pagtawag na Darren
Viral sa internet ngayon ang video ng performance ni JK Labajo na kuha sa day 1 ng Rakrakan Festival last March 1 na ginanap sa Globe Circuit Makati kung saan ay minura niya ng pagkalutong-lutong ang isang fan sa audience.
May mali rin naman kasi ang fan dahil sumigaw siya ng “I Love You Darren!” na ang tinutukoy ay si Darren Espanto na alam naman nating kaalitan ni JK.
Matapos sumigaw ang fan, halatang badtrip na si JK na nagsalita ng “ako nga pala si JK Labajo at ito nga pala si “P…ina mo!”
Dagdag pa niya, “tigilan mo ‘yan, ayokong marinig ang pangalan na ‘yan, nakakabuwisit!”
Pagkatapos ay ipinakilala niya ang miyembro ng kanyang banda. “Ako nga pala si JK, siya nga pala si Marco, siya nga pala si Clark, ‘yun nga pala si Gian” sabay turo sa fan, “ikaw nga pala ‘yung sigaw nang sigaw, kanina ka pa!”
Galit pa niyang sabi, “kayo nga palang mabait na audience, pwera ika (ang fan na sumigaw), P…ina mo.”
Sa comments section ay marami naman ang nakaunawa kay JK dahil binastos nga naman kasi ito kaya nagalit lalo pa’t alam naman ng fan na may isyu ang dalawang singer.
Pero may nagsabi namang hindi dapat nagpakita ng pagkapikon si JK at sinakyan na lang daw sana ang fan at idinaan na lang sa biro ang sagot.