‘Sobrang relaks’ ang description ni Nadine Lustre sa relasyon nilang dalawa ngayon ni James Reid.
Obvious naman daw na love na love nila ang isa’t isa, and so far so good ang 3 years nilang relasyon. Wala silang serious issues at masaya lang sila together.
Give and take daw kasi sila. Marunong silang mag-adjust kung kailangan at understanding sila sa isa’t isa, hindi sila strict.
Nabanggit din ni Nadine na with James, she learned to accept herself. Dati kasi ay ang dami niyang insecurities at lagi siyang stressed.
Kay James niya natutunang magrelaks, mag-enjoy lang and to love life. As in wala raw silang bad vibes, walang away o kahit tampuhan. Wala rin daw selosan bilang open siya kay James at nasasabi niya lahat.
Of course, wini-wish daw ni Nadz na sana ay for life na sila ni James, pero hindi pa raw nila napapag-usapan ang kasal. Basta, sobrang love nila ang state nila ngayon.
Nang tanungin namin kung naniniwala ba siya sa marriage, ang sagot ng 25-anyos na dalaga ay parang formality lang ang kasal.
So, hindi big deal sa kanya kung may ikasal man siya o hindi?
“I’m not rushing. But siyempre, I would want to (get married) one day. Because it’s different and I have friends na po na kinasal. Sabi nila, iba talaga ‘yung feeling ‘pag kinakasal ka at ikaw ‘yung naka-wedding gown, ikaw ang naglalakad sa aisle.
“So, I would wanna feel that also, but I’m not rushing,” bulalas ng bida ng pelikulang “Ulan” ng Viva Films.
Nang usisain namin kung anong klaseng wedding ang gusto niya, ang sagot ni Nadz ay either garden o forest o beach dahil pareho sila ni James na mahilig sa nature.
Sa pelikulang “Ulan” na pinaghalong romance at magic realism ay nakakita ang young character ni Nadine na si Maya ng dalawang tikbalang na ikinakasal. Tumatak sa kanya ang moment na ‘yon at naniwala siya sa tunay na pag-ibig.
Sobrang nagustuhan daw ni Nadine ang “Ulan” na sinulat at dinirek ni Irene Villamor dahil bago ito sa kanya.
Aminado si Nadz na nanibago siya na sina Carlo Aquino at Marco Gumabao ang kapareha niya rito at hindi si James, pero hindi raw siya nahirapan dahil masarap katrabaho ang dalawa at happy set sila.
Bago natapos ang chikahan namin with Nadine ay hiningan namin siya ng reaksyon sa isyung ginagaya raw niya ang sense of style ng iba (gaya ng claim umano ng ex-girlfriend ni James na si Ericka Villongco, na may mga pasaring daw kay Nadz sa social media).
“Parang wala. I think, I have my own style and I look for inspiration, like other celebrities, Hollywood celebrities… so, I don’t know.
“And I think, I have my own individuality. So, I don’t see anything na kokopyahin ko,” kaswal na dayalog sa amin ni Nadine.
Pasabog ni Marco KathNiel ‘di hiwalay nu’ng Valentine’s Day
Clueless si Marco Gumabao sa isyung nag-cool off ang close friends niyang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Ani Marco, nakikita niya ang KathNiel at happy naman ang mga ito. Nakasama niya recently ang mag-sweetheart sa Boracay para sa shoot nila for Bench nu’ng last week of January. Wala naman daw siyang napansin kung anuman sa dalawa.
Pati ‘yung unfollow issue sa KathNiel ay wala ring alam si Marco.
Basta ang alam niya, nu’ng Valentine’s ay nakita niya raw sa IG Stories na for ‘close friends’ only na magkasama sina DJ at Kath. Kaya silang mga malalapit sa couple ay alam nilang okey na okey ang dalawa.
Sey pa ng yummy-licious hunk ng Viva, hindi naman lahat ay kailangang i-share ng KathNiel sa ibang tao. Kung gusto mang mag-solo ng mga ito kung saan man nila gustong magpunta ay deserved daw ‘yon ng dalawa.
Kasama si Marco sa Viva movie na “Ulan” pero sina Nadine Lustre at Carlo Aquino ang binebenta ng pelikula.
Sey ni Marco, wala sa kanya ‘yon dahil dati pa ang project na ito. Mas matagal na nila itong ginagawa kesa sa mga movie na kapareha niya si Anne Curtis na mas recent lang.
Hindi raw big deal kay Marco kung mas malaki ang pangalan ni Carlo sa poster o kung anuman.
Big privilege daw sa kanya na makasama sa pelikula si Nadine at happy ang naging experience niya rito.
Dati kasi ay out of work niya lang palaging nakakasama si Nadz. So, memorable ito for Marco kahit short role lang siya rito as of one of her past boyfriends.
Sa March 13 ang showing nationwide ng “Ulan.”