Nadine winner mabuntis ni James

May mga larawan sina Nadine Lustre at James Reid na parang sila ay nasa iisang lugar at kuwarto. Ang mga malilikot ang imahinasyon, dahil nga pareho ang kulay ng kama na hinihigan nina Reid at Lustre at ang mga décor na super hagip sa kamera ay the same na the same, agad-agad, reunited and it feels so good ang dalawa.

Juice colored! Iyung sa true lang, hindi kaya pinaniniwala lang yata nila ang lahat na kunwari eh hiwalay na ang kanilang dekolor at puti pero sila pa rin naman pala talaga? Hindi ba after the supposed “break up,” pahara-pahara lang sila kung saan-saan.

May sightings na nagtsi-chill sa bar with common friends. Dahil nga with friends, wholesome ang lakaran, walang bahid romansahan. Wala namang masama na ang mag-ex eh makitang magkasama after a much publicized break-up, hindi ba?

May mga larawang patotoo na they went to this and that faraway places, again with their posse para nga naman kunyari eh dismulado ang mga kaganapan at galawan.

Mas malinaw pa sa sikat ng nakakautas na araw na maaring we were all taken for a ride? Hindi ba naman? Ano nga ba ang meron si Nadine na hindi malimot-limot ni James? Ano ba ang assets nitong si Nadine na Reid just cannot get enough of at hindi pa talaga siya satiated.

Si Reid, may taglay ba talaga siyang pambihira kaya itong si Nadine, ang dramarama lagi eh I want some more para sa binata?

Kung sakali ngang isang malaking pagpapanggap ang hiwalayan para sa career move, should we even be bothered or care? May career pa ba sila sa kasalukuyan?

Naku, ang alam ko lang liars go to hell at dapat, lunas muna sa pisting veerus ang inaabangan nating lahat, huh! Kahit pa nga mag-go forth and multiply ang dalawang ito, hindi na naman kataka-taka.

Bongga nga na mabuntis na si Lustre dahil ibig sabihin nun, healthy ang kanyang itlog at ang punlay ni James, mabagsik ang tilamsik! Ang savage! Hahahaha!

**

Vice trending sa ‘toxic positivity’

Hindi ako makapaniwala na nag-trending topic si Queen Bayot Vice Ganda matapos humanash at kumuda ng mga positibong pahayag sa kanyang Twitter account.

Para sa mga poot na poot sa baklang minamahal ni Ion Perez, lacking in sincerity umano ang mga aria ni Ganda .Hindi na naman daw ito kumikilos ayon sa kanyang ganda kaya ang kanilang konklusyon, “toxic positivity” lang ang mga ito.

Ang haters at bashers ni Vice, ang tataray, may nalalaman pang salitang ganyan, sige nga, pakibaybay, pakipaliwanag ang kahulugan at higit sa lahat, gamitin sa isang pangungusap. Para magkaalaman na kung alam talaga nila, hindi ba naman at para naman ang kasalatan natin sa bokabularyo eh mabawasan.

Ilang ulit kung binasa ang mga hanash at kuda ni Jose Marie at nasa hulog ang kanyang mga ipinahayag .May katwiran ang kanyang mga katwiran kaya ang emeng “toxic positivity” na ito, hindi ko maunawaan kung saan galing.

Dahil trending na naman si Ganda dahil sa inyong kabalbalan, tiyakan niyong hindi nyo makakasalubong si Ginoong Quiboloy dahil tiyak, he will rebuke you!

O, baka naman ang rebuke hindi niyo alam ang ibig sabihin eh may big words nga kayong toxic positivity eme, huh!

**

Mystica may kontra-demanda kay Arnell

Papatulan pa ba natin ang chikang timbog si Avi Siwa sa pagbebenta ng kung anuman? Ang reaksyon niyo in a major, major way, the WHO si Siwa? Yun na! Kung ano man ang nangyari sa kanya, choice niya iyan at dapat niyang harapin. Hindi na mababago ang katatahonan na forever is not enough na ang pagiging the WHO niya.

Eh si Mystica, ang Reyna Isplitera na may counter demandang naka-amba laban kay Arnell Ignacio? Did she file it na or nanatitling chika lamang ito?

Karapatan naman ni Mystica na magdemanda at dahil nga nasa demokrasya tayo, tama nga na korte na sila magpambuno ni Arnell. Magpagalingan sila ng mga abogado at naway their efforts won’t be for naught at mapagtanto ng piskalya na merito ang mga pinagkakana-kana nila.

Amusing at amazing ang away na ito. Pampalipas bagot at pandagdag kabag rin sa ating mga tiyan. At least, hindi nakakahikab ang eme nina Mystica at Avi.