Marami ang nangangarap na makatambal ang aktor na si Gerald Anderson.
Katulad na lamang ni Julia Barretto na dream come true ang makasama ang aktor sa iisang pelikula.
Sa panayam ng “Tonight With Boy Abunda”, game na game si Nadine Lustre na mamili ng mga leading man na ipinapakita sa segment.
Sasagutin lamang niya ito ng “Indak” o “Tadyak”.
Kabilang sa napili ay si Gerald Anderson. Ang sagot ng aktres ay “tadyak”, na ang ibig sabihin ay hindi niya bet makatambal ang aktor.
Nagtawanan ang mga audience sa naging sagot ng aktres, lalo na at hindi niya nais sabihin ang kanyang dahilan.
Aniya, “Basta, Tito Boy.”
Hinala ng netizens, ang pagtanggi umano ni Nadine na makatambal si Gerald ay maaaring dahil sa alegasyon na nakapalibot sa aktor. (Ronaline Avecilla)