Swak sa kalaboso ang isang lalaking hinihinalang bangag makaraang mag-amok at manghamon ng saksakan kamakalawa ng umaga, sa Tondo, Maynila.
Kinilala ni Police Inspector Allan Dematera, rumespondeng pulis ng Manila Police District-Police Station 2 (MPD-PS 2) ang suspek na si Adriano ‘Andy’ Awitan Tico, 50, at residente ng 1659 Felix De Leon, Tondo, Maynila.
Nabatid na alas-10:00 ng umaga ng dumating ang kagawad na si Momoy Emuslan ng Barangay 258 Bambang St. kanto ng Yakal St. Tondo, Maynila, sa Bambang outpost upang humingi ng police assistance dahilan sa nagwawalang suspek na umano’y naghahamon ng away sa mga nagdaraan habang may hawak na patalim ang kanang kamay.
Agad na inaresto ng mga pulis ang suspek at nang kapkapan ay nakuha sa kanang bulsa ng suspek ang dalawang ‘sachet’ ng hinihinalang shabu.
Sinampahan ng alarms and scandal ang suspek.
Dapat TINOKHANG nyo na yan. Di lang nanlalaban yan, naghahanap nga ng Laban.