Patay ang isang babae matapos itong atakihin ng ubo at mahirapang huminga habang nasa loob ng isang motel kasama ang kanyang nobyo Linggo nang hapon sa Pasig City.

Nakuha pang isugod­ sa St. Camilus Hospital­ upang lapatan sana ng lunas ang biktimang nakilalang si Maybel, 28, guess relation officer (GRO) subalit idineklara na itong dead-on-arrival ng sumuring doktor.

Sa ulat na ipinadala ni Pasig City Police Chief Police Col. Moises Villaceran sa Eastern Police District (EPD), alas-12:08 nang tanghali nitong Linggo nang mag-check in sa Room 205 sa nasabing lugar ang biktima kasama ang boyfriend na si Romnick.

Dakong alas-4:20 nang hapon ay humahangos na lumabas ng kuwarto si Romnick at humi­ngi ng tulong sa mga room attendant dahil bigla na lang sinumpong ng walang tigil na ubo at pananakit ng dibdib ang biktima hanggang sa mawalan ito ng malay.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa nasa­bing pagamutan subalit idineklara na itong dead-on-arrival.

Sa ginawang cursory examination sa bangkay ng biktima, wala namang nakitang mga external injury ang mga doktor mali­ban sa ubo at thyroid cyst nito. (Edwin Balasa)