Nag-overtake, kagawad utas sa dump truck

Nasawi ang isang nakamotorsiklong barangay kagawad matapos itong masagasan ng dump truck na kanyang nilagpasan sa national highway sa Tiaong, Quezon Huwebes ng umaga.

Kinilala ng Tiaong police ang biktima na si Elmer Dela Cruz Exconde, 50, kagawad ng Brgy. Ayusan 2 sa nasabing bayan.

Ayon sa Tiaong police, nasalpok ng unahan ng dump truck na minamaneho ni Desederio Magsino Sangalang, 39, residente ng Dariaya, ang motorsiklo ng biktima habang tinatahak ang Tiaong-San Antonio road sa Brgy. Quipot alas-8:50 ng umaga.

Nag-overtake umano ang kagawad sa kanan ng truck pero dahil blind spot, hindi ito napansin ng truck driver.

Nagtamo ang biktima ng mga grabeng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay noon din.

Naaresto naman ang driver ng truck at sasampahan ng kaso. (Ronilo Dagos)