Dahil sa hindi na kayang bigat ng kanyang kalooban ay kinitil ng isang 16-anyos na binatilyo ang sariling buhay sa loob ng kanyang silid sa Lungsod ng Caloocan kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng Caloocan City Police-North Extension Office (NEO) ay ganap na alas-10:30 ng gabi nang matagpuan ng ama ang biktimang si Steve Martin Ta-Octa, estudyante at residente ng Krissamar, Bahay Bukid, Barangay 178, Camarin ng nasabi ring lungsod.
Nakabigti ito gamit ang nylon cord na nakasabit sa door panel ng silid.
Agad na kinalas ng ama ng biktima, na si Martin Ta-Octa, sa pagkakabigti ang anak at isinugod sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital ngunit nasawi ito bago pa makarating sa nasabing pagamutan.
Bago ang insidente ay pinagalitan umano ng kanyang ama ang biktima dahil sa pagiging matigas ang ulo at pagsuway sa mga pangaral. Umabot umano sa pagtatalo ang tagpong iyon hanggang sa lumayas ang biktima.