Mga ka-Misteryo, posible ba ang time travel – ang paglalakbay sa nakalipas o hinaharap na panahon?

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Isang astral traveller si Nonoy ng Mandaluyong at hindi niya inaasahan na sa pagkalas niya sa kanyang katawan ay nakarating siya sa taong 1985.

Iyan ang inusisang mabuti ng #Misteryo kay Nonoy.

Misteryo: “Paano mo napatunayan na totoong napunta ka sa taong 1985?”

Nonoy: “Akala ko nga sa pana­hong ito ‘yung astral travel ko pero nang tanungin ko ‘yung mga batang kausap ko nasa taong 1985 daw sila.”

Misteryo: “Ano ‘yung nakita mo? Mukhang may interaksyon ka sa mga bata sa panahong ‘yun.”

Nonoy: “Bigla akong lumitaw sa panahon na ‘yun sa lugar ng mga batang naglalaro sa isang rooftop ng building at nagpapalipad sila ng mga alaga nilang ibon, malalaking ibon.”

Misteryo: “Ano ang kasuotan ng mga bata? Ano ‘yun, bata ka rin ba? At kalaro ka rin nila? O parang napadpad ka lang sa lugar?”

Nonoy: “Yung karaniwang suot ng mga bata noong dekada 80 na fit sa katawan at mahaba ang mga buhok. Tatlo sila at tawag pa sa akin ay kuya. Pero feeling ko hindi ko sila kamag-anak tinawag nila akong kuya kasi ako ang pinakamatanda sa kanila.”

Misteryo: “Paano nabanggit sa’yo na nasa taong 1985 sila? Nalaman ba nila na hindi ka sa panahon na ‘yun?”

Nonoy: “Ganito ‘yun, enjoy ako sa panonood sa kanila nang unti-­unti nang nagbabalik ang malay ko kaya nag-aagaw na ang nakikita ko. Kalahati ‘yung nakikita ko sa 1985 at kalahati ‘yung 2020. Kaya nagtanong ako sa mga bata, anong taon kayo ngayon, nagkatinginan pa sila sabay-­sabing 1985…nagtanong ako kung anong buwan?…December po, Lunes… ng Anong petsa?…8 o 9 po ‘ata. Halos pawala na ako sa panahon nila, ang nasabi ko lang galing ako ng 2020 baka puwede mag-email kayo sa akin, nabanggit ko email ko ewan ko lang kung malinaw nilang nakuha. At ‘yun balik na ako sa katawan ko.”

Misteryo: “Nag-check ka ba agad nu’ng detalye na ­nakuha mo?”

Nonoy: “Yes and accurate especially ‘yung date it’s December 9, 1985 ‘yung Lunes pero baka na-confuse sila kasi I think Sunday ‘yun naglalaro sila eh kaya December 8, 1985.”

Kung ano ang ibig sabihin noon bakit nag-time travel si Nonoy sa 1985, ‘yun ang hindi natin alam, maaaring ma­sabi niya uli sa Misteryo.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan ng kababalaghan at Misteryo, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.