Tanaw Balik sa Dekada:

Ni: Nonie Nicasio

Sa pamamaalam ng 2019, ating alamin ang mga sexy actress na nagmarka sa mundo ng showbiz sa loob ng isang dekada.

Base sa aming research sa mga nagdaang sexiest Pinay mula 2010 hanggang 2019 at panayam sa mga taga-showbiz mismo, natukoy ng Abante Tonite ang mga aktres na nagpainit sa maraming barako sa nakalipas na dekada. Kabilang din sa pinagbatayan sa Top 10 list na ito ang pagiging consistent nila o pag-maintain ng kanilang pagiging hot and sexy sa loob ng sampung taon.

Since Top 10 lang ang list na ito, gusto naming bigyan ng special mention ang mga dyosa rin ng kaseksihan ng nagdaang dekada tulad nina Cristine Reyes, Rhian Ramos, Ellen Adarna, Andrea Torres, Yam Concepcion, Janine Gutierrez, Jessy Mendiola, Bianca Umali, Sam Pinto, Sunshine Cruz, Ina Raymundo, Sanya Lopez, Katrina Halili at Liza Soberano. Hindi na isinama sa list si Pia Wurtzbach dahil mas kilala at nagmarka siya bilang Miss Universe, kaysa sa pagiging aktres.

Narito ang Top 10 Pinay aktres sa kaseksihan:

1. Jennylyn Mercado: Isang Hot Momma na hindi mo iisiping may anak na dahil sa makurba niyang katawan. Bukod sa kanyang ganda, pamatay ang kaseksihan ng Kapuso actress. Kaya niyang makipagsabayan sa mga mas sariwa sa kanya kung hotness lang ang pag-uusapan. Karapat-dapat siyang mailuklok sa unang puwesto dahil kahit may anak na ay napangalagaan ni Jen ang kanyang whistle bait figure.

Unang nagpakita ng kanyang kakaibang sex appeal si Jen nang tanghaling numero uno bilang FHM Philippines’ 100 Sexiest Women. Bukod sa pagiging aktres, siya ay isang triathlete, na sumasabak din sa jujitsu at Muay Thai.

2. Nadine Lustre: Ang morenang aktres ang susunod sa listahan ng sampung hottest actress ng bansa. Siya ay isa sa mga Pinay na kayang-kayang magpainit at magpaluwa ng mga mata ng maraming kalalakihan sa kanyang mga sexy Instragam post. Maraming mga barako ang nag-aabang sa kanyang IG account. Umaapaw kasi sa kaseksihan ang mga ito at palaban ang aktres sa pagpapasilip ng kanyang mga asset tulad ng matambok niyang puwet at katakam-takam na cleavage. Naging viral ang maraming photo ni Nadine na lumabas sa Instagram dahil sobrang daring at provocative ang mga ito, lalo na ang huling pasabog niya na naka-topless ang aktres (although wala namang nasilip na maselang bahagi ng kanyang katawan). Very revealing ang naturang mga larawan at nagpakita rito ang aktres na isa siyang modern Pinay na proud sa kanyang katawan at pagiging babae. Truly, maraming hot blooded male ang nagwa-water-water sa alindog ni Nadine.

3. Arci Muñoz: Kakaiba ang taglay na sex appeal ni Arci. Bukod sa flawless niyang alindog, panlaban ang kanyang nakagigigil na bumper. Biniyayaan nga ang aktres ng malulusog na boobs, na talaga namang animo nagsisilbing magnet para maakit at maglaway ang maraming kalalakihan. Ang mga babaeng tulad ni Arci ay masasabing takaw-pansin ang kagandahan sa mga barako. Walang lalaking hindi mauuhaw sa kanyang masabaw na kariktan. Panalong-panalo sa kanyang alindog ang aktres.

4. Angel Locsin: Isa si Angel sa taga-showbiz na kinagigiliwan ng marami at mahal ng masa. Siya ay dalawang ulit nang itinanghal bilang Sexiest Woman in the World ng FHM Philippines, ito’y naganap noong 2005 at 2010. Ang Kapamilya aktres ay may mapang-akit na ganda at kaseksihan na hindi maiiwasang lingunin ng mga kalalakihan. Ang tipo ng kanyang alindog ay sadyang malakas ang appeal sa boys.

Mula sa pagiging Alwina sa TV series na “Mulawin”, siya’y lumipad bilang Darna, at recently bilang si Rhian Bonifacio ng top rating na “The General’s Daughter”. Dito ay ipinakita niyang iba ang karismang taglay ng isang Angel Locsin. Although medyo nag-gain ng weight lately, ang mas napapansin pa rin sa kanya ng marami ay ang kanyang inner beauty o ang kagandahan ng kanyang kalooban lalo na sa mga pribadong bagay na kanyang ginagawa para makatulong sa kapwa.

5. Solenn Heussaff: Si Solenn ang isa sa mga suki ng sexy Instagram post na talagang pinagpipiyestahan nang todo ng maraming barako. Sossy ang taglay niyang beauty. Mahirap magpigil na maging green minded ang isang lalaki kung makikita ang mga sexy IG post ng aktres. Maituturing na bagyo ang kaseksihan ni Solenn, kaya siguradong laman siya ng sexual fantasy ng maraming kalalakihan. Sobrang nakababaliw ang alindog niya saan mang anggulo silipin. Si Solenn ang tipo ng kalahi ni Eba na kayang dalhin sa ika-pitong glorya nang kaligayahan ang sino mang barako.

6. Ivana Alawi: Napansin nang husto ng madla si Ivana nang lumabas siya sa TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang ambisyosa at kerengkeng na dyowa ni Eddie Garcia. Siya rin ay isang model, Instagram Influencer at social media personality na kinababaliwan ng marami. Ang tipo ng kariktan ni Ivana ay pampainit sa dugo ng mga kalalakihan. Lalo na kung mabibistahan nila ang bilog at matambok niyang butt, plus ang hugis Coca-Cola niyang katawan. Siya ay mayroong 1.9 million followers sa Instagram, kaya patok na patok sa boys ang mga sexy IG post ng 23 year old na aktres. Kapag pinagsama ang kanyang maamong mukha, maka-tulo laway na legs, at flawless na complexion, bibilis ang tibok ng puso ng mga kalalakihan sa kanyang mala-Diyosang alindog.

7. Lovi Poe: Kilala si Lovi bilang isang mahusay na aktres na effective sa mga mapaghamong papel, kasama na ang mga sexy at daring roles na natotoka sa kanya. Misteryosa ang taglay na morena beauty ng aktres. Kabilang siya sa inaabangang celebrity ng maraming member ng opposite sex sa kanyang Instagram post, lalo na sa mga patikim niya ng kanyang kariktan. Dito’y fiesta to the max ang mga mata ng barako sa taglay na sex appeal ni Lovi. Isa sa kaabang-abang na proyekto ni Lovi ngayong 2020 ang pelikulang ‘Latay’ ng BG Productions International, katambal si Allen Dizon.

8. Kim Domingo: Kabilang si Kim sa mga aktres na biniyayaan ng malakas na sex appeal. Pampagising sa mga natutulog na ugat ng mga kalalakihan ang tipo ni Kim. Kakaiba nga ang taglay na alindog ng tisay na aktres, ang mga babaeng tulad ni Kim ang type na type at hindi pagsasawaang pagpantasyahan ng maraming mga barako, umaga man, hapon, o gabi! Kartada-diyes at kompletos rekados ang tipo niya, bukod kasi sa may taglay na beauty ang aktres, nakakabaliw ang kanyang kaseksihan. Ang magandang mukha ni Kim, plus ang malulusog niyang boobs, at pamatay na katawan ay katumbas ng heaven sa maraming boys.

9. Anne Curtis: Ang Kapamilya star na si Anne ay isa sa mga aktres na humahataw ang career, sa pelikula man o telebisyon. Kahit malapit na siyang maging mommy, iba pa rin ang awra ng Fil-Australian actress. May taglay siyang ganda at kaseksihan na hinahangaan kahit ng kapwa niya babae. Kahit saang anggulo bistahan, oozing with sex appeal si Anne. Bukod sa talagang yummy ang aura ng misis ni Erwan Heussaff, flawless ang kanyang kabuuang ganda. Ang makurba niyang katawan, nakapaglalaway na legs, at iba pang physical assets ay hindi pagsasawaang pagmasdan ng bawat barako.

10. Marian Rivera: Although walang image si Marian bilang sexy actress, tulad ni Angel Locsin ay ilang ulit ding kinilala si Marian ng FHM bilang Sexiest Woman ng 2008, 2013 at 2014. Pampabuwenas pagmasdan ang kanyang kariktan, kakaiba kasi ang taglay na sex appeal ng Kapamilya star. Kahit isa nang ganap na mommy, palaban pa rin ang kanyang alindog. Kayang-kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mga bagets na kababaihan, kung hotness lang ang pag-uuapan. Ang misis ni Dingdong Dantes ang klase ng babae na hahanap-hanapin ng maraming boys. Ang kanyang matinding rehistro sa opposite sex ay sapat para makompleto ang araw ng maraming kalahi ni Adan.