Nagbabalik: Kim Woo Bin 2 taon nagpagamot sa kanser

Isang maganda at positibong balita ang pagre-resume ni Kim Woo Bin ng kanyang entertainment career.

Si Woo Bin ay na-diagnose ng nasopharyngeal cancer noong May 2017. Simula noon, mahigit dalawang taon na tumigil muna ang aktor sa kahit na anong activities niya.

Pero kahapon, official na ibinalita ng kanyang agency, ang SidusHQ, ang pagbabalik. Kasabay nito, naging presenter din siya sa ginanap na Blue Dragon Film Awards.

Bukod sa kauna-unahang public appearance na ito ni Woo Bin ay nagbigay rin ng ilang impormasyon ang representative ng aktor sa upcoming plans nito.

Pinag-iisipan din daw ni Woo Bin kung tatanggapin nito ang bagong script for a new film.