Inaprobahan ng pamahalaang Lungsod ng Quezon ang ordinansang magpapataw ng multa at community services sa mga taong lalabag sa mga city ordinances gaya ng nakahubad sa pampublikong lugar.

Sa Ordinance No. SP-2752, S-2018, na pinakilala at inakda nila Councilors Ranulfo Z. Ludovica at Godofredo T. Liban II, nakapaloob dito ang mga patakaran sa pagpapatupad ng ibat’ ibang ordinansa ng Barangay Public Safety officers (BPSO), Department of Public Order and Safety (DPOS), Environmental Protection Officers, at ng Quezon City Police District (QCPD) sa mga city ordinance violations.

Gaya ng pag-iinom sa pampublikong lugar, nakahubad na walang pantaas sa pampublikong lugar paglabag sa curfew hours para sa mga menor de edad, paninigarilyo sa pampublikong lugar at iba pa.

Ang naturang ordinansa ay kailangang para sa epektibong pamamahala para sa promosyon ng pangkalahatang ikabubuti ng madla para sa mga residente nito. Layunin din nito na mapanatili ang peace and order sa siyudad para sa ikabubuti ng mga sinasakupan nito.