Nagka-COVID-19 kami sa Wuhan – mga atleta

Maraming lumitaw na mga atleta ang sumigaw na nagkasakit sila pagkaraan ng 7th Military World Games (MWG) 2019 noong Oktubre sa Wuhan City, Hubei Province, China dalawang buwan lang bago sumambulat sa mundo ang COVID-19.

Nasa 9,308 mga manlalaro ng 140 bansa ang mga bumahagi sa 10 araw na torneo noong Okt. 18-27.

Una sa nagpahayag sa noong Linggo na nagka-coronavirus -diseaseo siya si German volleyball player Jacqueline Brock na nagsabing nakuha niya habang wala pa naiuulat na kaso noong Disyembre.

“After a few days, some athletes from my team got ill, I got sick in the last two days. I have never felt so sick, either it was a very bad cold or COVID-19, I think it was COVID-19,” pagbubunyag ng Aleman.

Sumunod siya kay French pentathlete Elodie Clouvel na nagpahayag na siya at ang kanyang partner na si Valentin Belaud nagka-virus mismo sa WMG.

Ikinuwento din ni Italian fencer Matteo Tagliarol na lahat sa kanilang apartment sa loob ng siyudad ay nagkassintomas, “that looked like those of COVID-19″.

Ikinuwento nang nagka-flu, si Luxembourg triathlete Oliver Gorges at sumailalim din sa isang antibody test noong lingg naguing “ghost town” ang Wuhan nang magbisekleta siya sa lungsod, habang agad niyang itinala ang kanyang temperature pagdating sa airport habang ang mga atleta ay agad na sinabihang maghugas ng kanilang mga kamay sa canteen. (Lito Oredo)