Open na sina Joao Constancia at Sue Ramirez sa kanilang relasyon.

Hindi gaya dati na umiiwas sila ‘pag nahuhuli sa actor na magkasamang namamasyal sa mall.

Sa music video shoot ni Jed Madela kasama ang BoyBandPH ay walang kiye­meng inamin sa amin ni Joao na almost one year na pala silang magkarelasyon ni Sue.

Napagdesisyonan nila dati na itago sa publiko ang real score sa relasyon nila dahil mismong si Sue ang nagsabing ayaw niyang mapag-usapan sila sa showbiz.

Ayon kay Joao, malaki diumano ang respeto niya sa babaeng nagpapatibok ng kanyang puso sa ngayon.

Ang pagiging masayahing babae diumano ni Sue ang pinakanagustuhan ni Joao. Inamin din nitong mahal na mahal niya ang girlfriend. Nagkakaintindihan din daw sila sa napakaraming bagay kaya swak sila kapag magkasama.