Kapwa bumulagta ang dalawang lalaking hinihinalang ‘tulak’ ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Tondo, Maynila kahapon.
Kinilala ni SPO2 Donald Panaligan, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, ang mga suspek na sina Arnel Solis, 37, taga-290 Ortega St., Tondo at Cloyd Aquino, 22 , at taga-1238 Sto Nino St., Moriones Tondo .
Naganap umano ang buy-bust operation ng MPD-Police Station 2 dakong alas-7:15 ng umaga sa eskinita ng Ortega St., malapit sa Mithi St. Tondo, Maynila.
Nauna rito ay nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa talamak na bentahan ng ilegal na droga sa lugar kaya nagkasa ng buy-bust operation.
Umakto umanong poseur buyer si PO3 Gener Paguyo pero natunugan ng mga suspek na pulis ang katransaksiyon kaya bumunot ng baril si Solis pero naunahan ng mga awtoridad.
Tinangka naman umano ni Aquino na ibato ang hawak na granada pero naunahan itong barilin ng mga pulis.
Nakuha sa mga suspek ang granada, .38 baril, anim na sachet ng shabu at P500 marked money.
This is the first statement ng mismong kasama nya sa pagtulog sa kwartong inakyat ng mga pulis.
June 5 cloyd was drinking alone at tatavers bar. One of the bar in tondo manila. Cloyd chat the two Jerome and Shena he wants some comfort from them. Since the two is not busy at that time and the two is close to cloyd nagpunta po sila sa nasabing bar. Then afterwards po lasing na lasing daw po si cloyd so they decided to go home pero sa sidecar pa lang daw po naihi na sa short si cloyd sa kalasingan. Kaya ginawa ng dalaws dinala sa bahay nila jerome. Dun na sila nakatulog sa himbing ng tulog nila biglang may mga tokhang operation sa area ortega st. Tondo manila. Bale magkatabi matulog sa kwarto so shena borga and cloyd ng unakyat ang 3 pulis. Tinanong sila at may hinanap na tao thats is the target. And then sinabi nung dalawa d nila kilala hinahanap nila kasi bisita lang po kami. So yung mga pulis bumaba. Pag ka baba nag karon ng engkwentro between the target and the pulis. Nagkaputukan na po. After that maya maya lang daw po bumalik ang mga pulis. Saka pinababa si shena borga. Tapos maya maya may narinig silang dalawang putok. Kinabahan na sila shena. At after ng putok may binaba na sila na lalake na may tatoo ayun na si cloyd.
Mawalang galang na po. Ang balitang yan tungkol sa kaibigan namin na si Cloyd Aquino Aliwate ay walang katotohanan. We want a thorough investigation on what really happen. Kung patas kayo na mamamahayag, aalamin nyo ang tunay na pangyayari sa kaganapang yan. May mga witnesses na makakapagsabing idinamay lang si Cloud Aquino Aliwate.