Nagkabalikan? Bea, Zanjoe magkasama sa party

Spotted ang aktres na si Bea Alonzo at ang ex-dyowa niya na si Zanjoe Marudo sa isang birthday party nitong Huwebes, August 29.
Dumalo ang dalawa kasama ang iba pang kaibigan sa industriya sa ika-50 kaarawan ng Star Magic handler na si Monch Navales.
Present sa party sina Piolo Pascual, Enchong Dee, Enrique Gil, Angelica Panganiban at Liza Soberano.
Umani pa ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga ­netizen. Si Zanjoe kasi ang nakarelasyon ni Bea bago naging sila ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson.
Umaasang muli ang mga netizen na magkabalikan ang dating magkasintahan. Mukhang malabo itong mangyari dahil may kasintahan na ang aktor. Nitong Abril kasi ay madalas na nakikitang magkasama si Zanjoe at ang rumored girlfriend niya na si Josie Prendergast.
Gayunpaman, hiling ng mga fan na ­maka-move on na si Bea mula sa hiwalayan nila ni Gerald.
(Ronaline Avecilla)