Nagkakalituhan sa sibakan ng appointive officials

Nalilito rin ang mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kasama sila­ o hindi sa sinisibak nitong mga presidential appointees sa kanilang kasalukuyang trabaho.

Sa kanyang pagharap sa Kamara para idepensa ng P3.35 trillion n­ational budget sa susunod na taon,­ walang ideya si Department of Budget and Management (DMB) Secretary Benjamin Diok­no kung kasama sila sa pinalalayas ni Duterte.

“We will clarify it to the President if we are still keeping our post,” ani Diok­no nang tanungin ito ng mga miyembro ng House committee on ­appropriations kung kasama sila o hindi sa sinibak ng Pangulo.

Iba naman ang pana­naw ni Socio-economic­ Planning Secretary­ Ernesto­ Pernia na kabi­lang­ sa mga economic manager ng Duterte a­dministration.

“The newly appointed­ Cabinet secretaries are not covered by the order,” ani Pernia.

Magugunita na noong Linggo ng madaling-araw ay sinibak ni Duterte ang lahat ng mga presidential­ appointees lalo na sa Land Transportation Office (LTO) dahil marami pa rin umano itong naririnig na nangyayaring katiwalian.