Matapos ang lampas anim na taong pagsasama, napuno na ang New Orleans Pelicans star na si Anthony Davis.

Ayon sa tweet ng ESPN insider na si Adrian Wojnarowski, hindi na pipirma ng contract extension si Davis, at nais na ring magpa-trade matapos ang ilang nakapanlulumong season sa Pelicans.

“Agent Rich Paul has notified the New Orleans Pelicans that All-NBA forward Anthony Davis has no intention of signing a contract extension if and when presented and that he has requested a trade,” saad sa tweet ni Wojnarowski.

Ayon sa agent ni Davis na si Paul, nais ni Davis na makasali sa isang championship team para magkaroon ng tsansa sa tropeo.

“Anthony wants to be traded to a team that allows him the chance to win consistently and compete for a championship,” hirit ni Paul.

Kayang mag-offer ng abot sa five-year, $250M ang Pelicans para kay Davis, nakatakdang maging free agent sa 2020 kapag totoo ang tinuran ng kanyang agent.

Kasalukyang nag-aaverage ng 29.3 points at 13.3 rebounds si Davis ngayong season. Pero nakagarahe pa dahil sa fracture sa kaliwang index finger.