Humingi na ng paumanhin ang pangulo ng Ateneo De Manila University (ADMU) na si Jose Ramon T. Villarin SJ sa sakit at pagdadalamhati na pinagdaraanan ng kanilang komunidad ng mga ­nakalipas na araw matapos magsagawa ng silent protest ang mga Atenista nitong Biyernes kontra sa sexual harassment.

Inamin ni Villarin na may kakulangan ang ­sistema at proseso ng Ateneo ngunit pinaalala pa rin niya na kailangang tiyakin ang “due process” sa mga aksyong gagawin nito na naaayon sa batas at bilang pagrespeto sa lahat.

“First and foremost, I deeply apologize for all the terrible hurt and pain our community has been ­going through the past few days,” sabi ni Villarin sa Oktubre 18 memo niya sa Ateneo communist na ­pinost sa Facebook page ng The Guidon, ang ­opisyal na school paper ng Ateneo.

Ayon sa memo, nakipag-usap na si Villarin noong Biyernes sa mga mag-aaral, faculty, at administrador ng ADMU hinggil sa isyu ng sexual harassment sa kanilang eskuwelahan.

Kinilala niyang kailangan ng mga biktima ng safe space at kinilala rin ni Villarin ang hirap na pinagdaraanan ng mga ito para lumantad at ­magreklamo kaya’t nagsasagawa na ng review ng patakaran ng Ateneo tungkol sa sexual harassment.

Subalit giniit pa rin ni Villarin ang “due ­process” at ang kahalagahan ng respeto sa lahat, pati na mga professor na inaakusahang sangkot sa ­sexual harassment.

“In all this, we bear in mind the importance of ensuring due process is followed in any ­proceeding on sexual harassment, not merely as a matter of law but out of respect for the dignity of all persons,” sabi ni Villarin.

Gayunman, hindi pa rin sapat ito para sa ilang mga Atenista na nagpahayag ng kanilang saloobin sa FB page the The Guidon matapos ilabas ang ­pahayag ni Villarin.

“The names of those charged must be revealed,” sabi ni Rafael J. Roxas.

Dagdag pa ni Dennis Javier, “But we have to know who the persons are behind these ­sexual ­harassment cases. The school have to divulge their names.”
“The Univ and not just ADMU should ­disclose and/or communicate to the univ ­community (its own internal stakeholders at least) its ­policy on ­sexual exploitation (harassment) and abuse ­including its complaint and feedback ­mechanism to establish and ensure transparency and ­accountability of those in authority,” ayon kay Joemil Saloma Montebon.

Samantala, inihayag ni Villarin ang pagbuo ng Office of the Protection of Minors and Vulnerable Adults sa ilalim ng kanyang tanggapan na siyang mangunguna sa gagawing imbestigasyon kaugnay sa mga reklamo ng sexual harassment.

Nagbabala naman ang Sanggunian, ang student government ng Ateneo, na hindi sila ­hihinto sa gagawin nilang kilos protesta hangga’t ­hindi nabibigyan ng hustisya ang mga biktima ng ­‘sexual misconduct’ at ‘violence’ sa ADMU. (­Eileen ­Mencias/Dolly Cabreza)