MAY kinakasama dati ang aktres na ito pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay minabuti nilang maghiwalay.
Nagka-GF agad ang ex ni aktres. Naka-move on just like that.
Para hindi mainggit ang aktres, nagpaligaw agad siya.
Dapat, gwapo, mayaman at walang sabit ang kanyang admirer. Pakipot muna siya pero pag dumadating ang malamig na gabi, naaalala niya ang maiinit na karatan nila ng ex niya.
Kaya sinagot ni ate ang isang suitor niya na bortalicious. Wala nang Q&A kung anong klaseng tao ito.
Sinunggaban niya agad ang bortalicious hunk at baka maunahan pa siya ng mga vaklush, lalo na ‘yung bading na agad-agad niyang tinanggal.
Dumating ang mga araw at gabi na masaya si ate sa jumbolicious hotdog ni kuya.
Inlababo ang peg niya.
Nang tumagal, nawalan ng work si kuya borta. Kaya siya na lang ang ginawang drivam, julalay at manager ni aktres.
Sa isang out of town show, guest si nagmamagandang ate. Siempre, ka-join ang jowa niyang borta na bitbit ang bag niya.
Bago ang show, kinausap ni kuya ang bading na talent coordinator na dapat solo lang sila ng jowaers niya sa room at 3 songs lang dahil ‘yun ang nasa kontrata.
Pag may request, pay ulit.
Waaah niya rin feel na makikibeso sa mga utaw ang jowa niya. Dapat, nakatutok sa jowa niya ang mga security guard at barangay tanod.
Biglang tili si bading na coordinator, “Hoy!!! La Ocean Deep na ang jowa mo! Kung maka-demand ka, feeling mo eh sikat pa ang asawa mo! Laos na ‘yan!”
Tameme si kuya at nagmaktol nang bonggang-bongga.
Inaway-away ni kuya si actress na takot na takot.
Sabi ng mga dating kaibigan, abnormal ang bagong jowa ng aktres.