Nagmamaneho ng kotse

Dear Dream Catcher,

Ano po ibig sabihin nang nanaginip kang nagmamaneho­ ka ng kotse?

Angelika

Dear Angelika,

Ang panaginip tungkol sa pagmamaneho ay sumisimbolo sa pagbabago. Maraming pagbabagong puwedeng maganap sa iyong buhay.

Kung gusto mong matiyak kung aling bahagi ng iyong buhay ay konektado sa pagbabagong sinisimbolo ng iyong panaginip, alalahaning mabuti ang detalye ng iyong mga panaginip. Wala ka namang binanggit na mga detalye ma­liban sa ikaw ay nagmamaneho o kung naging masalimuot ang iyong pagbibiyahe o relaks lang. Ikaw ba ay naging maayos na driver­ habang nagmamaneho ka? Ikaw ba ay totoong nakakapagmaneho sa aktuwal na buhay?

Positibo ang iyong panagi­nip kung maayos ang iyong naging pagmamaneho at naging­ relaks ka at hindi tensyonado. Indikasyon ito na sa aktuwal mong buhay ay ikaw ang nasa kontrol at wala kang nararanasang anumang alalahanin. Negatibo naman ang iyong panaginip kung puno ka ng tensyon paggi­sing mo dahil indikasyon ito na may pinagdaraanan kang isang sitwasyon kung saan hindi ka komportable.

Kung ang pagmamaneho ay araw-araw mong nang ginagawa, maaaring wala itong gaanong sinisimbolo dahil ang iyong naging panaginip ay eks­tensyon na lamang ng natural mong ginagawa sa araw-araw.
Dream Catcher
***
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng gene­ral information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.