Nagmotorsiklong grade 11, nabangga

motorcycle-accident

Todas ang isang Grade 11 na estudyante matapos makabanggaan ang kanyang motorsiklo ng isang kotse sa national highway ng Barangay Tallungan­ Reina, Mercedes, Isabela noong Huwebes.

Kinilala ng Mercedes Police Station (MPS) ang biktimang si John Erol Ramos, 16, Grade 11, ng Sinippil Reina, Mercedes ng nasabing lalawigan.

Samantala, ang suspek ay nakilalang si Richard Bigbigan, 30, isang civil engineer, ng Upi, Gamu, Isabela.

Ayon sa inisyal na report, sinabi ng MPS na tinatahak umano ng biktima sakay ng kanyang motorsiklo ang lansangan patungong Cauayan City nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay bahagya umano itong umagaw ng linya kung kaya nabangga siya ng kasalubong na sasakyan na minaneho ni Bigbigan.

Dahil dito, nagtamo ng mga mala­lang sugat si Ramos na dinala pa sa ospital ngunit dineklara ring dead-on-arrival.

Dinala naman si Bigbigan sa MPS at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Allan Bergonia)