Inamin na ng Kapuso actress na si Kim Domingo na tinapos na nila ng PBA Player na si Mike Acuña ang mahigit tatlong taon nilang relasyon. Mag-iisang buwan na raw siyang single. Nilinaw rin niya na walang naganap na third party.

Isiniwalat niya ito sa press conference ng bago niyang teleserye na “Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko”. Gaganap siya rito bilang Katya, pinsan at kaibigan ni Megan Young na gaganap naman bilang si Yvie.

Napaamin ang aktres matapos mapansin ang bago nitong hair look. Nagpaikli kasi siya ng buhok kaya inisip na kakagaling lamang nito sa break-up.

Paliwanag ng aktres, “Nag-try lang ako kung bagay kasi ayoko magpagupit agad so try try muna ako ng iba’t ibang looks.”

Hiwalayan nga ba ang dahilan kung bakit nag­pagupit siya ng buhok?
Hindi ito diretsahang sinagot ng aktres. Aniya, “Hindi, basta ano, happy ako, happy din siya.”

Sey pa niya, “Pero in good terms kami. I mean walang halong galit sa isa’t isa.”

Nagsisisi ba siya sa pakikipagrelasyon kay Mike?
“Ay hindi, wala ako sinasabing nagkamali ako kasi lahat naman ng desisyon ko sa buhay wala akong pinagsisisihan kasi ginusto ko ‘yun in the first place.”

Sa nga­yon ay hindi pa handa ang aktres na makipag-date o pumasok sa panibagong relasyon.

Aniya, “Ay no, ano muna ako, work.” (Ronaline Avecilla)