Pinalipad ng aktres na si Heart Evangelista sa China ang isang team mula sa Pilipinas para lang sa lash extension.
Mahigit tatlong linggo nang nasa China ang aktres dahil umano sa secret project na inaakala ng marami ay para sa sequel ng Crazy Rich Asians.
Pero pinabulaanan ito ng aktres, aniya, “For those of you asking I am not in China to film for crazy rich. I am here for something else – can’t wait to share.”
Kilala si Heart na isang fashionista, makikita ‘yun sa mga Instagram post niya. Sobrang maalaga sa beauty niya at isa sa mga beauty secret niya para magmukhang fresh ay ang kanyang lash extension na pinapa-retouch niya every two to three weeks.
Since matagal-tagal na siya sa China, pinapunta niya ang NEW Lounge, na nangangalaga sa eyelashes ni Heart. Makikita ang video sa Instagram stories niya ang prosesong ginawa sa eyelashes, “The highlight of my long day. Thank you @newlounge.ph family for flying all the way to China to retouch my lashes! You guys are simply the BEST.”
O, di ba, bongga pang-Crazy Rich Asian ang arrive!