Nagpasaring si Golovkin kay Canelo

golovkin

Naghahanap ng sagot si Gennady Golovkin, ano raw ang itinurok ni Canelo Alvarez sa sarili at lumagpak na naman sa doping test noong isang buwan.

Tinawag pa ni Golovkin (37-0-1, 33 KOs) na mandaraya si Canelo (49-1-2, 34 KOs), pero wala siyang balak ipaatras ang rematch nila sa May 5.

Sinabi ni Canelo na posibleng nakakain siya ng kontaminadong karne kaya siya nagpositibo.

“Again with Mexican meat? Come on,” bulalas ni Golovkin. “I told you, it’s not Mexican meat. This is Canelo. This is his team. This is his promotion. … Canelo is cheating.”