NAGRO-ROLLERCOASTER!

Sharon Cuneta

MAY matinding pi­nag­daanan ang megastar Sharon Cuneta.

Emotional siya sa ASAP na hindi niya napigilang maiyak nang kinantahan siya.

Sa phone patch inter­view sa kanya ni Noel Ferrer sa radio program nitong Level Up sa Radyo Inquirer nu’ng Sabado night, tila may gusto itong sabihin pero nagpi­pigil at hindi na na-push ni Noel.

Pero sa ­presscon ng Cinemalaya ­movie niyang Ang Pamil­yang Hindi Lumu­luha, inamin ng me­ga­star na meron siyang pinagdadaanan pero sinasarili na lamang niya ito.

Pahayag ni ­Sharon, “Nagru-rollercoaster ako ngayon ng ano… siyempre hindi ­naman lahat ng tao may ano… maraming pinagdadaanan.

“Yan ang ano namin, eh. Kaming mga artista, kaya sabi nila, magaling kami sa pelikula, maga­ling umarte.

“Iyung mga sugat, matagal gumaling. Or may mga bago, may mga luma.”

May isang ­miyembro sila ng pamilya na suma­kabilang buhay kama­kailan lang.

Isa iyun sa dahilan kaya emotional siya at naiyak sa ASAP.

“I’m always ­smiling. No one really knows what goes on while I’m smiling.

“What’s going inside me now. Kumbaga sa Houston, nakalubog pa ang bahay sa dibdib ko sa mga nabahaan,” makahulugan niyang pahayag.

Bukas na ang showing nitong indie ­movie niya kaya ­nagpu-promote siya at hindi puwedeng gamitin pa niya itong pinagdaanan niya para lang ma-promote ang pelikula.

Hindi raw ­kailangang iparating pa sa mga manonood itong bigat na dinadala niya.

“Ayaw mo naman i-burden ang audience mo with problems na ganyan na hindi naman nila alam kung ano ang ini­isip mo.

“So, smile lang nang smile because I have so much to be thankful for also,” sabi pa ni Sharon.

Sana ­malagpasan ni Sharon kung ano man ito, dahil mukhang mabigat talaga at maaa­ring sinu­subukan pa nilang ­ayusin kung kaya pa.