Nagsamantalang negosyante sa Taal nasampolan

Hindi nakaligtas ang ilang negosyanteng nagsamantala sa nangyaring pagpaputok ng Bulkang Taal.

Katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI), perso­nal na ininspeksiyon ni House Committee on Trade and Industry chair Wes Gatcha­lian ang lahat ng mga pamilihan sa lugar na tinamaan ng pagputok ng bulkan at dito may nahuling lu­mabag sa presyuhan.

Kabilang sa sinu­yod ng inspection team ang mga pangunaging supermarket gayundin ang Batangas Municipal Market.

Sa isinagawang inspeksiyon, may nahu­ling lumabag sa presyuhan tulad ng presyo ng inuming tubig at asukal na pangunahing pa­ngangailangan sa panahon ng kalamidad.

Dahilan upang agad itong isyuhan ng DTI ng notice of violation at show cause order upang ituwid ang kanilang pag­labag.

Bukod sa ilang nagtitinda ng karne ay nadiskubreng walang kaukulang National Meat Inspection Sertificate (NMIS) certificate.

“Basic commo­dities are critical for the survival of our fellow countrymen who just experienced a calamity. No one should be allowed to take advantage of these kinds of situations,” ayon sa kongresista.

Habang nana­natili namang mababa sa SRP ang mga surgical mask, hindi naman na-verify ng grupo ang presyo ng N95 mask dahil nagkaroon ng kakulangan nito sa Batangas City.

Ininspeksiyon din ng grupo ang mga appliance matapos makitaang may ilang produkto na walang kaukulang product safety at ICC mark na agad ding kinumpiska ng DTI.

Dahil dito, tiniyak ng kongresista na bibigyan prayoridad ng kanyang komite ang pag-amyenda ng Consumer Act upang magtatakda pa ng mas mabigat na parusa laban sa mga lalabag. (Eralyn Prado)