Nagsawa sa katatago, 19 NPA sumuko

Sa kagustuhang magkaroon na ng maayos na pamumuhay na walang takot na lalabas ng bahay kasama ang kanilang mga pamilya ay kusang loob nang sumuko sa pamahalaan ang 19 rebeldeng komunista na nag-o-operate sa boundary ng apat na bayan sa Mindanao sa kasagsagan ng ika-50 anibersaryo ng New People’s Army (NPA) sa Isulan, Sultan Kudarat.

Ayon kay Lt. Col. Elmer Boongaling, 33rd Infantry Battalion commander, matapos ang ginawang pagsuko, agad ang mga itong nakatanggap ng livelihood assistance, kabayaran sa mga isinukong armas na tulad ng 13 high powered firearms, explosives, and ammunition at nabiyayan ng pabahay sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Iniharap naman ang mga sumukong rebelde kay Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadatu sa naganap na seremonya Biyernes ng hapon kasabay ng pamamahagi ng tulong pinansyal. (Vick Aquino)