Nagsu-suicide mas marami kesa namamatay sa kalamidad

Mas marami umano ang namamatay na tao sa suicide dahil sa mental disorders kesa sa mga taong namamatay sa kalamidad.

Ayon sa World Health Organization (WHO) report, nasa may 800,000 katao ang nagpapatiwakal kada taon dahil sa psychological na kadahilanan.

Noong bisperas ng World Mental Health Day noong Oktubre 10, nalaman sa inihandang report ng WHO na umabot sa 350 milyon tao sa mundo ang dumaranas ng depresyon habang 264 milyon naman ang dumaranas ng anxie­ty disorder.

Nabatid sa 36-member Organization for Economic Co-operation and Development (OECD), isang intergovernmental economic organization, na 20% ng global working population ang apektado ng mental disorder.

Kung mapapabayaan ito na mapatingnan malaman na umbot sa USD16 trillion ang gugulin na pondo para dito sa taong 2030.

Nalaman na may 450 milyon tao sa mundo ang naidokumento na ng UN na apektado ng mental disorder kung saan sa loob ng 10 taon mula 2005-2015 tumaas pa ito sa 16% o 1 sa kada siyam na katao sa mga apektadong lugar ay may mental illness.

Sa ulat 79% suicide ay nangyayari sa mga low at middle income na bansa.

Nalaman rin na 10-20% ng bata at matanda ang apektado ng psycholo­gical disorder at 50% ng may mental disorder ay lumalabas bago mag-edad 14. (Juliet de Loza-Cudia)