Nagtalo sa ipapangalan kay baby: Biyenan sinaksak ng manugang

Tinarakan

Dahil hindi magkasundo kung ano ang ipapangalan sa isisilang na sanggol, malubhang nasugatan ang biyenang lalaki matapos silang saksakin ng kanyang manugang sa bayan ng Naguilian, La Union noong Linggo.

Kinilala ng Naguilian Police Station (NPS), ang biktimang si Glenn Ocariza, 52. Kabilang din sa nasugatan ang anak nitong si Catherine Ocariza, 18, kapwa taga-Barangay Ortiz ng nasabing bayan.

Nakilala naman ang suspek na si John Andrey Gomez, 19, live-in partner ni Catherine, ng Brgy. Nagsidurisan, Naguilian.

Sa imbestigasyon, ayon na rin kay NPS investigator PCpl. James Calipa, nagtalo sina John Andrey at Glenn kung ano ang ipapangalan nila sa isisilang na anak ng mag-live in.

Dito, sinaksak ng tatlong beses ang kanyang ‘biyenang hilaw’ at pagkatapos ay sinunod si Catherine.

Nagpapagaling ngayon ang mag-amang Glenn at Catherine sa Ilocos Training Regional & Medical Center.
Tinitingnan naman ng NPS kung