Nagwalwal na senior citizen nasunog

Dahil sa lalim ng tulog sa sobrang kalasingan, patay ang isang lalaki matapos masunog sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Naguilian, Nueva Era, Ilocos Norte noong Martes.

Kinilala ng Nueva Era Police Station (NEPS) ang biktima na si Jeremias Ramirez, 63-anyos, ng nasabing barangay. Base sa imbestig a s y o n , a y o n k a y Nueva Era municipal fire marshal SF02 Reynante Bismonte, bago mangyari ang sunog, umuwing lasing ang biktima galing sa isang inuman at nakatulog ito sa kanyang kuwarto.

Habang mahimbing na natutulog, sa hindi malamang dahilan ay biglang nagliyab ang kanyang bahay at sa sobrang kalasingan, hindi na nakalabas ang biktima.

Ayon kay Bismonte, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon kung ano ang naging sanhi ng sunog. (Allan Bergonia)