Nahawa ng COVID sa QC 2,311 na

Sumirit sa 2,311 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City ayon sa tala noong Biyernes.

Ayon sa Quezon City government, nasa 2,201 sa mga kaso nakuhanan ng kumpletong address, habang 846 kaso naman ang tinuturing na active case sa lungsod.

Samantala, 57 ang naitalang bagong gumaling sa sakit para sumampa sa 1,083 ang total recovery. Habang anim naman ang napaulat na bagong nasawi sa virus dahilan para umakyat sa 192 ang death toll sa QC.

Sa kanilang mga HOPE quarantine facility, nasa lampas 100 pa ang available bed para sa mga COVID patient. (RP)